Ang Citrine stone ay nanggaling sa salitang French na "Citron", ang ibig sabihin ay Lemon. Ito ay matatagpuan sa Spain, France at Scotland. Ang Citrine ay kilala sa isa sa mga maswerteng gemstone crystal. Ito ay pinaniniwalaang nakaka akit ng kasaganaan sa buhay ng isang taong meron nito. Sa mga negosyante ito ay tinatawag na "Lucky Merchant's Stone" kung saan ay nagbibigay kasagaan sa isang tao na may negosyo. Ang karaniwang kulay nito ay dilaw, may mga uri na medyo mapusyaw at meron naman na matingkad ang pagaka dilaw gaya ng sa araw. Ito ay nagbibigay ng sigla sa isang tao na magsagawa ng bagay na magbibigay sa kanya ng mga pinansyanl na pakinabang.
Kung ikaw ay nagnanais ng dagdag kita sa iyong trabaho o negosyo mabuting magsuot ng accessory na may Citrine o kaya ay maglagay nito sa iyong wallet. Para naman sa mga negosyante, ilagay ang Citrine stone sa inyong cash drawer o register. Ito rin ay pinaniniwalaan na nagtataboy ng malas sa isang tao at nagbibigay linaw o pag asa sa mga mahihirap na sitwasyon.
Ang Citrine crystal ay matagal ng ginamit sa bansang Egypt bilang palamuti sa kanilang mga alahas. Ang paraan ng pag cleanse ng Citrine ay sa pamamagitan ng paghugas nito sa dumadaloy na tubig.
Natural Citrine Crystal Gold Chain Gemstone Pendant Necklace |
Heart-shaped Citrine Ear Studs 18k Gold Plated |