Paano Malalaman ang Blood Type Mo?

 


Isa ka ba sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa alam kung ano ang blood type?  Wag ka mag-alala dahil hindi lang ikaw ang ganyan. Marami sa atin na simula pagkapanganak hanggang sa lumaki ay hindi alam ang bagay na ito. Ngunit bakit nga ba mahalaga na malaman ang type ng iyong dugo? Ito ay upang maiwasan ang magsalin ng maling tipo ng dugo sa iyo kung sakaling kailanganin mo. Dahil ang maling pagsasalin ng tipo ng dugo ay maaaring maglagay ng panganib sa iyong buhay o maaari mong ikamatay. 

Isa pang kahalagahan na malaman ang iyong blood type ay upang makatulong ka sa iba na nangangailangan ng kapareho o compatible na dugo mo. Maraming pasyente sa atin ang nangangailangan ng dugo at sa totoo lang ay nauubusan ng stock ang mga blood banks natin. Kaya naman hinihikayat ng Red Cross na tayo ay mag donate ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan nito. 

Makakatulong din ang impormasyon na ito sa iyong sarili na malaman ang mga pagkain na maaaring hindi mabuti para sa iyo. 

Kung nais mong malaman ang iyong blood type ay madali lang naman ang kailangan gawin. Maaari kang magpunta sa mga clinic o hospital upang magpa blood typing. O kaya naman ay kung mayroong malapit na Red Cross office sa inyong lugar ay magtungo doon upang sa ganoon ay makaiwas sa maraming tao.  Kapag naroon ka na sa Red Cross ay sabihin lang sa guard na magpapa blood typing ka dahil baka ikaw ay isama sa mga magdo-donate ng dugo kung hindi mo sasabihan ang guard. 

Ang blood typing sa Red Cross ay hindi libre, ikaw ay magbabayad ng ₱70.00 at bibigyan ka nila ng ID Card na nakalagay ang iyong blood type. Madali lang ang proseso mga less than 10 minutes ay tapos na.
Ganito ang itsura ng ID Card na galing sa Red Cross

Kung hindi ka pa nakakapag rehistro sa National ID ay mas mabuti na malaman mo muna ang iyong blood type dahil ang impormasyon na ito ay ilalagay din nila sa iyong record para sa National ID. 

Maaari kang magpunta tuwing Lunes hanggang Biyernes sa pinakamalapit na Red Cross sa inyong lugar o kaya naman ay sa mga clinic. Paminsan minsan ay may mga makikita ka rin sa mga mall na gumagawa ng blood typing ngunit para mas makatiyak ka na tama ang impormasyon na ibibigay sa iyo ay mabuti ng sa mga clinic o kaya sa Red Cross ka magpa blood typing. 
Previous Post Next Post