Ang mga halaman ay nagbibigay buhay sa ating kapaligiran gayundin ito ay nagbibigay ng malinis na hangin na ating kailangan upang mabuhay. May mga uri ng halaman na nakakatulong upang mapapababa ang level ng toxin sa ating mga tahanan. Sa kabilang banda may mga halaman din na pinaniniwalaaan na nagdadala ng swerte sa ating mga tahanan o lugar ng negosyo. Ang paniniwalang ito ay hindi lamang sa atin bansa maging sa ibang bansa ay pinaniniwalaan din ang ganito. Sinasabi na mas magiging epektibo ang pag akit ng swerte kung malaking uri ng halaman ang ilalagay sa gilid o malapit sa pintuan ng ating bahay.
Narito ang mga halaman na perpektong ilagay sa labas ng inyong tahanan.
1. Money Tree - sa pangalan pa lang ng halaman na ito ay talaga naman magdadala agad ng positibong enerhiya sa inyong tahanan, Ito ay sumisimbolo ng karangyaan at pera.
2. Boston Fern- Karaniwan natin nakikita ang malagong halaman na ito sa ating paligid. Ito ay mabisang panangga sa mga masamang hangin sa labas ng inyong tahanan.
3. Areca Palm - Isa itong halaman na may mahahabang dahon na mainam na ilagay sa pwesto na may mga tubo upang matakpan ito.
4. Iron Tree - Karaniwan ang halaman na ito na inilalagay sa mga business establishment or sa mga events bilang dekorasyon.
Ang mga halamang ito ay may malalaking sanga at malago kaya naman mainam na pang block ng negative energies sa labas ng inyong tahanan.
Sa kabilang banda ay may mga mababa na uri ng halaman na makabubuti rin ilagay sa labas ng bahay. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi sila ganun ka epektibo dahil ito ay mag de depende sa bilang. Ito ang mga sumusunod:
5. Jade Plant - Ito ay pinaniniwalaang swerte hindi lang sa kultura ng Tsino pati na rin sa Kanluran. Ang mga dahon nito ay makintab. Medyo maselan ang halaman na ito at hindi kinakailangan na parating didiligan. Kapag mayroon ka nito at nagkaroon ng bulaklak, asahan mo na dadating ang magagandang kapalaran sa iyo. Gayunpaman, may bulaklak o wala, ito ay maswerte pa rin basta iyong maalagaan ng maayos.
6. Bamboo Plant - ito ay isa sa pinaka gustong halaman sa feng shui dahil hindi lang ito nagdadala ng swerte, nagtataboy din ito ng kamalasan. Maglagay ng magkakahilera ng bamboo plant sa harapan ng inyong bahay.
7. Golden Pothos - Bukod sa pinaniniwalaang maswerte ang halaman na ito, isa rin ito sa mga halaman na may kakayahan maglinis ng hangin sa kapaligiran ng inyong tahanan. Karaniwan itong inilalagay ng nakabitin sa labas ng bahay dahil ang pagtubo nito ay pababa.
8. Lime Tree o Kalamansi - Napakadaling maghanap nito sa ating at napakadali rin itanim. Bukod sa suswertehin ka na sa pagkakaroon nito ay mag aani ka pa ng bunga na maaari mong pakinabangan. Napaka swerte nito lalo na pag ito ay hinog na. Ito ay lumalaki at nagiging puno, ngunit mayroon din naman na grafted na kaya hindi na lalaki bilang puno. Makakadagdag ng ligaya ito sa mga nakatira sa isang bahay kung mayroon ka nito sa labas ng inyong bahay.
Nakakabuti na maglagay ng halaman sa labas ng inyong tahanan. Bukod sa ito ay nagdadala ng swerte ay napapaganda at napapagaan nito ang ambience ng buong bahay. Mabuti na magkaroon ng malinis na bahay at mabuting intensyon upang mas lalo maakit ang swerte sa inyong buhay at sa inyong tahanan.
Tags:
Pampaswerte