Kung ikaw ay miyembro ng SSS o may kapamilya ka na nais mong malaman kung magkano ang posibleng matanggap na pensyon SSS bilang benepisyo sa pagretiro ay maaari mo itong malaman online. Hindi mo na kailangan pang pumila ng mahaba sa kanilang opisina o tumawag sa kanilang tanggapan.
Narito ang paraan para malaman ang estimated na halaga ng pension na iyong makukuha.
1. Sa browser ng inyong computer or cellphone ay i-type lamang ang "SSS Retirement Calculator" o "SSS Retirement Estimator". I-Click ang pinaka unang result na lalabas.
2. Sa Window na ito ay i-type lamang ang mga impormasyon na hinihingi. Upang makatiyak ay tingnan ang iyong contribution table para malaman kung kelan ka nag umpisa na maghulog sa SSS.
https://www.sss.gov.ph/sss/portlets/retirementestimator/retirementEstimator1.jsp |
3. Pagkalagay ng iyong impormasyon ay gayahin lamang at i-type sa loob ng box ang word o code na iyong nababasa. Ito ay case sensitive kaya dapat ay eksakto ang pagkakatype mo.
4. Pagkatapos ay i-click ang "Compute". Lalabas ang estimated pension na iyong makukuha kung ikaw ay magre retire sa edad na 60 o sa edad na 65.
May ilang paalala para ma qualify sa pagkuha ng pension sa hinaharap. Ito ang mga sumusunod.
- Bukod sa nakasulat sa itaas ay kailangan mo din mag register sa My.SSS facility ng SSS website. Dahil dito ka magsa submit ng iyong aplikasyon.
- Kinakailangan mo din na magkaroon ng bank account at dapat ay naka link ito sa iyong My.SSS account. Sa pamamagitan ng bank account ay i-de deposit nila ang iyong pension upang maiwasan na ang mahabang pila sa opisina.
Maaari mong matanggap ang iyong pension kada buwan o kaya naman ay sa pamamagitan ng lump sum. May magkaibang requirement sa pagpili sa alinman sa dalawang nabanggit.
Tags:
Impormasyon